Paano ako nagsimula sa WRS ๑(◕‿◕)๑

Magandang araw! Ako si Ced ang may ari ng Alka-holic Water Refilling Station. Dito sa blog ko ay gusto kong ibahagi ang mga experience ko sa pag sisimula ng WRS.

1. Una sa lahat, matinding research ang aking ginawa, at gumawa ako ng business plan upang magbigay ng layunin at direksyon sa negosyong tubigan. kailangan isipin mo kung anong klase ng producto ang nais mo ibigay sa iyong customer.

2. Maghanap ng supplier at machine installer, maraming kang makikita na companya na nag-aalok ng kanilang serbisyo sa internet at social media pero dapat matiyak ang reputasyon ng iyong pipiliing companya sa pag-check ng feedback ng kanilang mga costumer, makakatulong ito sa pagpili ng magandang supplier at installer dahil malalaman mo kung gaano ka-reliable ang kanilang mga produkto at serbisyo.

Mahalaga ang pagiging mapanuri at mapagmatyag upang makahanap ng magandang supplier at installer ng machine. Siguraduhin na makipag-usap ka sa mga experto at kilalang mga kompanya upang matiyak ang kalidad.

3. Kumpletuhin ang mga kinakailangang permit at papeles - Kailangan mong kumpletuhin ang mga kinakailangang permit at papeles mula sa lokal na gobyerno upang makapag-operate ng water refilling station.

4. Mag-market at mag-promote ng iyong negosyo, ialok mo ang iyong producto at serbisyo sa inyong mga kapamilya, kapitbahay, at sa buong barangay.

Mahalaga ang pagsisikap at disiplina upang maisakatuparan ang iyong pangarap na palakihin ang negosyo, mag-reinvest sa mga galon upang madagdagan ang iyong mga customer

Mas Bago Mas luma